Pinag-alab ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia ang diwa ng pagkakaisa at kahandaang maglingkod sa bayan sa isinagawa nilang flag-raising ceremony ngayong Lunes sa Padre Garcia Municipal Auditorium.

Sa programa, nilinaw ni Ma'am Monette Mangubat, Election Officer III ng Commission on Elections (COMELEC), ang mga pangyayaring nagresulta sa pagpapaliban ng nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong 2026, kasunod ang pagbibigay ng mga pinakabagong impormasyon hinggil sa muling pagbubukas ng voter registration.
Samantala, kinilala naman ng Padre Garcia Municipal Police Station ang mga Garcianong naging katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng publiko sa ilalim ng inilunsad nilang Oplan Ligtas Undas 2026.
Opisyal ding inilatag ni Dr. Ohmie Diaz, Municipal Tourism, Culture, and the Arts Officer, ang mga nakalinyang aktibidad para sa tatlong araw na pagdiriwang ng ika-77 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Padre Garcia, kasabay ng makulay na selebrasyon ng Kabakahan Festival ngayong taon.

Post a Comment

0 Comments