Umarangkada na ngayong Martes, Nobyembre 10, ang muling pagbubukas ng voter registration ng Commission on Elections (COMELEC) bilang paghahanda sa 2028 National and Local Elections (NLE), na magpapatuloy hanggang Hulyo 30, 2027.
Maaaring magparehistro ang mga kwalipikadong botante sa tanggapan ng COMELEC Padre Garcia mula Martes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at nakatakda ring maglunsad ang tanggapan ng satellite registration sa iba't ibang barangay ng munisipalidad upang mas mailapit ang serbisyo sa mga mamamayang Garciano.


0 Comments