𝗕𝗔𝗚𝗨𝗜𝗢-𝗜𝗡𝗦𝗣𝗜𝗥𝗘𝗗, 𝗚𝗔𝗥𝗖𝗜𝗔𝗡𝗢-𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗡 💙✨



Binalanse ng City Government of Baguio ang malamig na klima ng kanilang lungsod sa mainit nilang pagtanggap sa delegasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia na nagtungo roon ngayong Miyerkules, Nobyembre 18, para sa isang benchmarking activity.
Kapwa itinampok ng dalawang LGU ang kani-kanilang best practices, habang nagkaroon din ng pagkakataon ang mga Garciano na mapuntahan at malibot ang ipinagmamalaking City Hall at Smart City ng Siyudad ng Baguio.
Pinasalamatan naman ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, si Baguio City Mayor Benjamin "Benjie" Magalong sa personal niyang paglalaan ng oras upang makiisa sa isinagawa nilang benchmarking activity at magbahagi ng mga makabuluhang ideya na malaki ang maitutulong sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Padre Garcia.
Mananatili sa Baguio ang mga lingkod-bayang Garciano hanggang Biyernes ng umaga para sa kanilang Training-Workshop on Harmonized Gender and Development Guidelines (HGDG), at matapos ito ay nakatakda rin silang bumisita sa Bauang, La Union para sa isa pang lakbay-aral.

Post a Comment

0 Comments