Naisakatuparan ang proyekto sa tulong ng donasyong mga buto ng sunflower mula sa Allied Botanical Corporation, sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si G. Jayson Villegas at CavBatMinPal Area Manager na si G. Ariel C. Marzan.
Pangunahing nangasiwa sa pagpapalaki at pag-aalaga ng mga sunflower ang mga kawani ng Office of the Municipal Agriculturi, sa ilalim ng pamamahala ni Ma'am Leonilyn Ladao, katuwang ang mga benepisyaryo ng LAWA at BINHI Program.
Libreng mabibisita ng publiko ang naturang hardin mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, kung saan maaari ring bumili ng mga sariwang sunflower na mainam gawing dekorasyon o pangregalo.

0 Comments