Pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang Pugay Tagumpay nitong Huwebes ang pagtatapos ng 80 pamilyang Garciano bilang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay matapos nilang makamit ang Level 3 sa Social Welfare and Development Indicators (SWDI), na nangangahulugang ganap na silang self-sufficient o may kakayahan nang tustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Kasabay nito, pormal ding nilagdaan nina Ma'am Wilma Galela at Mayor Celsa Braga-Rivera ang Sustainability Plan na naglalaman ng mga inisyatiba at programang magsisilbing gabay sa patuloy na pag-alalay ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa mga nasabing pamilya upang matiyak ang higit pang pag-unlad at pag-angat ng kanilang pamumuhay.


0 Comments