Taos-pusong binabati ng buong sambayanang Garciano ng isang maligayang kaarawan ang dati nating punongbayan na siyang nagsilbing arkitekto at inhinyero ng mabilis na pag-unlad ng Padre Garcia—Mayor Mike Rivera.
Bagama’t wala na kayo sa katungkulan, nananatiling buhay ang diwa ng inyong paglilingkod at malasakit sa ating bayan, patunay sa inyong nag-aalab na puso sa larangan ng serbisyo publiko.
Dalangin namin na nawa ay patuloy kayong biyayaan ng Panginoon ng kalakasan, karunungan, mabuting kalusugan, at mahabang buhay upang mas marami pa kayong matulungan, mapaglingkuran, at maimpluwensiyahan.
Utang namin sa iyo, Mayor Mike Rivera, ang pag-usbong ng "Kasiya-siyang Padre Garcia."
Maligayang kaarawan at mabuhay po kayo!

0 Comments