𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪: Nagsama-sama sa Municipal Conference Room ng Pamahalaang Bayan ng Taysan ngayong Miyerkules, Setyembre 23, ang mga kababaihang lingkod-bayan ng Ika-Apat na Distrito ng Batangas para sa regular na pagpupulong ng District Women Coordinating Council (DWCC).
Pinangungunahan ni Former Congresswoman at DWCC President Hon. Lianda Brucal-Bolilia ang naturang meeting, na personal na dinaluhan nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Ma'am Wilma Galela, at mga kinatawan mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Dahil sa positibong pagtanggap ng mga naging benepisyaryo, plano pang palawakin ng DWCC ang matagumpay na Mobile Breast and Cervical Cancer Screening, kasabay ang pagsasa-pinal ng mga detalye ng ilulunsad nilang BINGO Bonanza.
0 Comments