Sinalubong ng mga kawani mula sa Provincial Planning and Development Office ng Camarines Norte ang pagsikat ng araw at pagdagsa ng mga traders sa Bakahan ng Padre Garcia ngayong Biyernes, Setyembre 25, para sa kanilang benchmarking visit sa munisipalidad.
Ang livestock industry ay isa sa mga lumalagong negosyo sa lalawigan ng Camarines Norte, at layunin ng kanilang delegasyon na pag-aralan ang best practices na ipinatutupad sa Livestock Auction Market ng bayan ng Padre Garcia na kilala bilang Cattle Trading Capital of the Philippines.
0 Comments