𝗣𝗢𝗕𝗟𝗔𝗖𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗜𝗚𝗨𝗘𝗟: 𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗠𝗔𝗗𝗘 🏀🏆

 


Naghari sa hardcourt ngayong 2026 ang Brgy. Poblacion at Brgy. San Miguel matapos nilang masungkit ang kampeonato sa Bracket A at Bracket B, ayon sa pagkakasunod, ng Mayor’s League Inter-Barangay Basketball League – Senior Division.

Sa Bracket A, pumuwesto bilang 1st Runner-up ang Brgy. Tangob, 2nd Runner-up ang Brgy. San Felipe, at 3rd Runner-up ang Brgy. Maugat West.

Pasok sa Mythical 5 sina Ronnie Flores at Jaron Ayong ng Brgy. Poblacion, Roldan Membrere ng Brgy. Tangob, Michael Bisbe ng Brgy. San Felipe, at Christian Alaurin ng Brgy. Maugat West. Kinilala si Ayong bilang Season’s MVP, habang si Flores ang nag-uwi ng Finals MVP plum.

Sa Bracket B, humataw naman ang Brgy. Payapa na nagtapos bilang 1st Runner-up, na sinundan ng Brgy. Tamak bilang 2nd Runner-up at Brgy. Manggas bilang 3rd Runner-up.
Binuo ang Mythical 5 nina John Ralph Cubero at Angelo Meg Bajamundi ng Brgy. San Miguel, Gabriel Panchito ng Brgy. Payapa, Rejie Lolong ng Brgy. Tamak, at Giovanie Rosita ng Brgy. Manggas. Iniuwi ni Bajamundi ang tropeo ng Season’s MVP, samantalang si John Ralph Cubero naman ang itinanghal na Finals MVP.

Opisyal na nagtapos ang Senior Division ng palaro noong Sabado, Setyembre 19, matapos ang sunod-sunod na bakbakan sa loob ng Padre Garcia Cultural & Sports Center, na nagbigay-daan sa pagpapamalas ng galing at paghubog sa pagkakaibigan, pagkakaisa, at disiplina ng mga Garcianong basketbolista.

Post a Comment

0 Comments