Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na magpapatupad ng 𝗵𝗮𝗹𝗳-𝗱𝗮𝘆 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗮𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa darating na 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗶𝗸𝗮-𝟮𝟴 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲, alinsunod sa Proclamation No. 60 (s. 1992) na nagdedeklara sa huling linggo ng Setyembre bilang 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗪𝗲𝗲𝗸 at sa Proclamation No. 326 (s. 2012) na nagdedeklara sa ika-apat na Lunes ng Setyembre kada taon bilang "𝗞𝗮𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮" 𝗗𝗮𝘆.
Kaugnay nito, ang mga tanggapan sa ating pamahalaang bayan ay magiging bukas lamang mula 𝟴:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟮:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗶, subalit ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan
0 Comments