𝗜𝗡𝗞𝗦 𝗢𝗙 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘 ✍️🎙️

 

Ipinagbunyi ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia ang tagumpay ng mga Garcianong mamamahayag na kumatawan sa Padre Garcia Sub-Office at nagwagi sa ginanap na 2026 Division Schools Press Conference.

Nagpasalamat si Dr. Lucky May Pasia, Public Schools District Supervisor, sa suporta ng pamahalaang bayan sa mga guro at mag-aaral, lalo na sa pagkakaloob ng libreng uniporme para sa buong delegasyon, at nangakong higit pa nilang pagbubutihin ang kanilang pagsisikap upang maabot ang mantra na “Tatak Garciano, Numero Uno.”

Pinuri naman ni Vice Mayor Micko Angelo Rivera, SB Committee Chair on Education, ang husay at dedikasyon ng mga student journalists, kasunod ang hamon ni Mayor Celsa Braga-Rivera na patuloy silang maging boses ng bayan at maging responsable sa bawat isinusulat, iginuguhit, at ibinabalita

Post a Comment

0 Comments