ang lahat ng mga naghahangad na maging lingkod-barangay sa buong bayan ng Padre Garcia para sa isang orientation na pinangunahan ni Ma’am Monette Mangubat, Election Officer III, ngayong Huwebes, mahigit isang buwan bago ang nakatakdang filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Dumalo rin sa programa ang mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, upang magbigay ng mensahe at inspirasyon sa mga nagnanais kumandidato na aniya'y sa hinaharap ay makakatuwang niya sa paglilingkod sa mga Garciano at sa higit na pagpapaunlad sa munisipalidad.
0 Comments