Suspendido pa rin ang Pasok sa mga Tanggapan ng Pamahalaan sa Batangas sa ika-20 ng Agosto


𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐑𝐂𝐈𝐀𝐍𝐎

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Office of the President ngayong hapon, suspendido pa rin ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan ng Batangas bukas, ika-20 ng Agosto, araw ng Huwebes, dahilan sa inaasahang masamang panahon dulot ng Habagat.

Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.

Post a Comment

0 Comments