Ngayong September 2026, nakikiisa ang Municipality of Padre Garcia sa pagdiriwang ng National Tourism Month na may temang: “Celebrating Culture, Creativity, Community, and Safe Tourism.”
Sa pagdiriwang na ito, layunin nating higit na kilalanin, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating kultura, pagkamalikhain, komunidad, at mga yamang nagbibigay-kulay at pagkakakilanlan sa ating bayan
Bilang bahagi ng selebrasyon, naghanda ang Municipal Tourism, Culture, and Arts Office, sa pangunguna ni Doc. Ohmie Diaz, ng mga makabuluhang programa at aktibidad tulad ng Art Workshop, Art Exhibit, Cultural Dance Workshop, at Basic First Aid Training—mga gawaing naglalayong hubugin ang talento, palakasin ang pagpapahalaga sa kultura, at itaguyod ang ligtas at responsableng turismo
Sama-sama nating ipagdiwang ang kultura, likhain ang makulay na kuwento ng ating bayan, at ipagmalaki ang galing ng bawat Garciano!
Kasiya-Siya Areng Garcia!
0 Comments