TINGNAN: Pinuno ng mga guro, mag-aaral, at miyembro ng Board of Trustees (BOT) ng Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) ang loob ng Most Holy Rosary Parish ngayong Martes ng umaga, Agosto 4, para sa isang banal na misa na isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng ikalawang taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kolehiyo.
Sinundan ang banal na pagdiriwang ng isang walk parade patungo sa Padre Garcia Cultural & Sports Center sa Brgy. Quilo-Quilo North kung saan nakatakdang isagawa ang Opening Program, Festival of Talents, Academic Quiz Bowl, at Search for Mr. and Ms. PGPC 2026.
0 Comments