TINGNAN: Nagbalik-serbisyo ngayong Martes ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia matapos ang work-from-home arrangement na ipinatupad ng Malacañang kahapon, na sinimulan sa kanilang sama-samang pagdalo sa flag raising ceremony kaninang umaga bilang bahagi ng kanilang tungkulin at panata sa paglilingkod sa bayan.
Sa isinagawang palatuntunan, iniulat nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Ma'am Jonalyn Cedeño, LDRRMO II, ang mga isinagawang aksyon ng pamahalaang bayan kaugnay ng ilang araw na pag-ulan, kabilang ang agarang pagresponde, paglikas, at pagbibigay ng tulong sa 12 pamilyang Garciano na naapektuhan ng masungit na panahon.
0 Comments