Muling nagbukas ang mga tanggapan sa Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia ngayong Lunes, ika-24 ng Agosto, kasabay ng pagbabalik ng on-site transactions matapos ang ilang araw na pagpapatupad ng alternative work arrangements dulot ng masamang panahon dala ng Habagat.
Sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga, nagbigay ng ulat ang Padre Garcia Fire Station tungkol sa naganap na sunog sa Brgy. San Miguel noong Biyernes, kasunod ang paalala sa mga Garciano na mag-ingat at ugaliing i-save ang numero ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mabilis na makahingi ng tulong sa oras ng sakuna.
Samantala, binigyang-linaw naman ni Ms. Monette Mangubat, Election Officer III ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa tiyak ang napapabalitang postponement ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, dahilan kung bakit patuloy pa rin ang kanilang puspusang paghahanda para sa nalalapit na halalan.
0 Comments