𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊. 𝐃𝐄𝐓𝐄𝐂𝐓. 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓. 💙
Bumiyahe patungong bayan ng Padre Garcia ngayong Huwebes, Agosto 20, ang Mobile Clinic ng Philippine Cancer Society upang maglunsad ng Mobile Breast and Servical Cancer Screening para sa isang daan at apatnapu't isang (141) mga kababaihan sa munisipalidad.
Ipinaabot ng mapagkalingang ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang kaniyang pasasalamat sa District Women Coordinating Council (DWCC) sa kanilang inisyatiba na ilapit ang naturang serbisyo sa mga mamamayang Garciano.
Nagpasalamat din si Former Congresswoman Lianda Bolilia, Pangulo ng DWCC, sa mga nakiisa sa programa na aniya'y patunay ng kanilang pagmamahal sa sarili, kasunod ang pagtiyak sa patuloy na pag-alalay sa mga pasyenteng matutuklasang positibo sa mga senyales ng breast at cervical cancer.
0 Comments