Mga Kawani ng Lokal na Pamahalaan, Dumalo sa Banal na Misa sa Municipal Auditorium



HAPPENING NOW: Ipinagdiriwang ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia ang tagumpay ng nagdaang isang buwan ng paglilingkod sa pamamagitan ng pagdalo sa isang banal na misa na isinasagawa sa Municipal Auditorium ngayong unang Biyernes ng Agosto.

Sa kaniyang homiliya, pinagninilayan ni Rev. Fr. Royger Ballaran, OSJ ang mga pamamaraang nararapat isakatuparan ng tao habang nabubuhay sa lupa upang masunod niya ang kalooban ng Diyos at makarating sa Kaniyang kaharian.

Post a Comment

0 Comments