HAPPENING NOW: Inaalam ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at gurong Garciano sa Local School Board (LSB) Meeting na kasalukuyang isinasagawa sa Municipal Conference Room kasama ang mga kinatawan mula sa DepEd Padre Garcia Sub-Office sa pangunguna ni Dr. Lucky May Pasia, Public Schools District Supervisor.
Hinihimay sa pagpupulong ang mga updates tungkol sa ongoing projects sa ilalim ng Special Education Fund (SEF), paghahanda para sa paparating na Division Athletic Association Meet (DAAM), mga panukalang programa at proyekto para sa FY 2027 SEF, at iba pang mga usapin na may kinalaman sa edukasyon.
0 Comments