Kasabay ng pagtataas sa watawat ng Pilipinas ngayong Lunes, itinaas din ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang kanilang pasasalamat sa Panginoon sa patuloy na pag-iingat at paggabay sa bayan ng Padre Garcia, na nananatiling ligtas sa kabila ng pag-ulan at banta ng masamang panahon nitong mga nakaraang linggo.
Tiniyak naman ng mahusay at mapagkalingang ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang kahandaan ng pamahalaang bayan sa oras ng sakuna, na aniya'y naipamamalas sa pamamagitan ng walang humpay na pag-monitor sa lagay ng panahon, mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, at mahigpit na koordinasyon sa mga kinauukulang tanggapan
0 Comments