COMELEC Padre Garcia, Inilatag ang Schedule ng mga Gawain para sa 2026 Barangay at SK Elections



HAPPENING NOW: Sinamantala ni Ms. Monette Mangubat, Election Officer III ng Commission on Elections (COMELEC), ang buwanang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, sa pangunguna ni ABC President Noneth Gonzales, upang ilatag sa mga punong-barangay ang iskedyul ng mga gawain kaugnay ng nalalapit na 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Bukod dito, nakatakda ring maglunsad ang COMELEC-Padre Garcia ng Certificate of Candidacy (COC) Filing Orientation para sa mga naghahangad na maging lingkod barangay, na gaganapin sa Huwebes, Agosto 27, ganap na ika-12:00 ng tanghali sa Padre Garcia Cultural and Sports Center. 

Post a Comment

0 Comments