Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) noong nakaraang Huwebes, Agosto 20, ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia at ang K-FIMS Co., Ltd. ng Republic of Korea bilang isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga Garcianong overseas seasonal workers na ipinadadala sa naturang bansa.
Pinangunahan ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang isinagawang MOU Signing samantalang nagsilbi namang kinatawan ng K-FIMS Co., Ltd. ang kanilang Chief Executive Officer na si Mr. Daniel (Moonsu) Baik.
Alinsunod sa nilagdaang memorandum, layunin ng dalawang partido na makabuo ng isang long-term cooperative partnership na sesentro sa pagpapabuti ng recruitment, education, deployment, protection, at integrated management ng mga seasonal workers mula sa bayan ng Padre Garcia na nagnanais magtrabaho sa Korea.
0 Comments