𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐍 𝐌𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍

 

Inanunsyo ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang opisyal na pagbubukas ng Civil Service Commission (CSC) Month 2026 ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia kasabay ng isinagawang flag raising ceremony ngayong Martes ng umaga sa Municipal Gymnasium.

Pinukaw ng mga mensaheng hatid nina Mayor Celsa, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at Municipal Administrator Christopher Comia ang damdamin ng mga empleyado, na nagbigay sa kanila ng inspirasyon upang higit nilang pag-ibayuhin ang kanilang dedikasyon sa pagkakaloob ng tapat at mahusay na serbisyo publiko.

Matapos ang pagpupugay sa watawat ng Pilipinas, humataw naman ang mga lingkod-bayan sa kalahating oras na zumba session, na sinundan ng pagkilala at paggagawad ng cash prizes sa mga nagwagi sa ginanap na LGU Fun Run.

Post a Comment

0 Comments