Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa buong sambayanang Pilipino sa paggunita ng National Heroes Day, bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa ating bayan.
Ang ipinamalas nilang kabayanihan ay hindi lamang mga pahina ng kasaysayan, kundi isang liwanag na tumatanglaw sa ating kasalukuyan at gumagabay sa bawat hakbang tungo sa mas makabuluhang kinabukasan.
Nawa’y maging hamon sa bawat isa ang kanilang halimbawa upang tayo naman ang magsilbing mga bagong bayani ng makabagong henerasyon—mga Garcianong disiplinado, mabuting tao, at may prinsipyo.
0 Comments