Makararanas ng water interruption ang mga nasasakupan ng Pambayang Patubig sa Brgy. Poblacion ngayong araw, ika-27 ng Agosto, upang bigyang-daan ang repair at maintenance ng mainline sa nasabing area.
Magsisimula ang pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng patubig sa ganap na 10:00 ng umaga at inaasahang maibabalik pagpatak ng 12:00 ng tanghali.
Ang lahat ay inaanyayahan na mag-ipon ng tubig. Humihingi ang lokal na pamahalaan ng pang-unawa at inaasahan ang kooperasyon ng bawat isa.
0 Comments