π˜π„π‹π‹πŽπ– π‹πˆπ•π„π’ 𝐎𝐍 πŸ’›

 

Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa pagbibigay-pugay kay dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.—isang lider na nag-alay ng kaniyang sarili para sa demokrasya, kalayaan, at kapakanan ng sambayanan.

Saksi ang kasaysayan sa kung paano ipinamalas ni Ninoy na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi nasusukat sa posisyon o kapangyarihan, kundi sa tapang na manindigan, sa sakripisyong handang ialay, at sa pagiging instrumento upang mamulat ang mga matang nagbubulag-bulagan.

Hamon sa bawat Garciano na isabuhay ang pagmamahal ni Ninoy sa bayan, at nawa'y hindi lamang manatili sa paggunita ang mga aral na kaniyang iniwan, bagkus ay maging gabay sa ating pang-araw-araw na paglilingkod at pamumuhay.

Post a Comment

0 Comments