𝐆𝐑𝐎𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐀 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍𝐄𝐑 𝐏𝐀𝐃𝐑𝐄 𝐆𝐀𝐑𝐂𝐈𝐀 🌴

 


Pinatunayan ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia na sa kabila ng pag-unlad at modernisasyon ng munisipalidad ay patuloy pa rin ang mga Garciano sa pagpapayabong sa kalikasan matapos silang maglunsad ng dalawang araw na Tree Planting Activity na ngayong Biyernes ay isinagawa sa Baculo Farm sa Brgy. San Miguel.
Naging posible ang programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan sa Philippine Coconut Authority-Cavite and Batangas, City Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Lipa, Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC), mga opisyales ng Brgy. Bawi at Brgy. San Miguel, Rotary Club of Padre Garcia, Barangay Eco Leaders, Municipal Nutrition Committee, at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Kahapon ay nauna nang maglunsad ng katulad na aktibidad sa Brgy. Bawi at sa kabuuan ay nakapagtanim ang lokal na pamahalaan ng 400 pirasong dao, 200 pirasong narra, 25 pirasong guyabano, 25 pirasong kape, at 250 pirasong dwarf hybrid coconut tree.

Post a Comment

0 Comments