Face-to-Face Classes, Suspendido sa Lahat ng Antas sa Agosto 10 Dahil sa Masamang Panahon

 


𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐑𝐂𝐈𝐀𝐍𝐎

Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng Habagat na pinalalakas ng Tropical Cyclone "Dolphin", suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Padre Garcia bukas, ika-10 ng Agosto, araw ng Lunes.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan na sakop ng nabanggit na anunsyo ay pansamantalang magpapatupad ng Modular Distance Learning (MDL).

Stay safe, Garcianos!


Post a Comment

0 Comments