PhilHealth Caravan, Dinagsa sa Ikalawang Araw ng Serbisyo sa Padre Garcia



HAPPENING NOW: Dinumog ng mga PhilHealth members ang ikalawa at huling araw ng PhilHealth Caravan na sinimulang ilunsad kahapon ng Padre Garcia Municipal Health Office at ngayong araw ay kasalukuyang isinasagawa sa CBR Area ng Municipal Compound.

Bukas sa publiko, mapa-Garciano man o hindi, hanggang 3:00 ng hapon ang nasabing programa kung saan maaaring magtungo ang mga nangangailangan ng konsultasyong medikal, may nais ayusin o i-update sa kanilang PhilHealth account, wala pang ID o MDR, at hindi makapag-register sa PhilHealth YAKAP gamit ang eGovPH app.

Post a Comment

0 Comments