Pinagyaman ng mga lingkod bayang Garciano sa pagsisimula ng huling linggo ng Hulyo ang diwa ng pagkakaisa at sama-samang paninindigan sa tapat na paglilingkod sa mga mamamayan kasabay ng muli nilang pagsasama-sama ngayong Lunes ng umaga para sa regular na pagpupugay sa watawat ng Pilipinas na isinagawa sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Malugod na ibinahagi ni Engr. Khriztine Tapalla, Municipal Planning and Development Officer, ang mga nangyari sa matagumpay na 3-Day Seminar-Workshop on the Registry of Barangay Inhabitants and Migrants (RBIM) System na aniya'y paghahanda ng bayan ng Padre Garcia sa inaasahang paglobo ng populasyon sa munisipalidad kasabay ng papalapit na pagbubukas ng Batangas Techno Park.
Ipinaabot naman ni Ms. Yssa Lina mula sa Municipal Tourism, Culture, and Arts Office ang paanyaya ng Most Holy Rosary Parish na makiisa sa mga nakalinyang gawain para sa nakatakdang pagdalaw ng Pilgrim Image ng Nuestro Padre Jesus Nazareno mula sa Quiapo na mananatili sa bayan ng Padre Garcia sa loob ng limang araw, mula ika-30 ng Hulyo hanggang ika-3 ng Agosto.
0 Comments