Pinararangalan ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia at ng buong lahing Garciano ngayong araw, ika-23 ng Hulyo, ang buhay, mga ambag, at hindi matatawarang pamana ng Dakilang Lumpo na naging huwaran ng katatagan, karunungan, at pagmamahal sa bayan—Gat Apolinario Mabini.
Bilang Utak ng Himagsikan at kauna-unahang Punong Ministro ng Pilipinas, ipinamalas ni Mabini na ang tunay na lakas ng isang mamamayan ay nasusukat sa katalinuhan, disiplina, at kabutihang-loob, na sila ring mga pagpapahalagang kaakibat ng adhikaing "Lahing Garciano, Matalino, Disiplinado, at Mabuting Tao, Ipinagmamalaki ko!"
Nawa'y ang kaniyang buhay ay magsilbing hamon sa mga Garciano at sa bawat mamamayang Pilipino upang manatiling tapat sa tama, panindigan ang katotohanan, at unahin ang kapakanan ng bayan upang sama-sama nating maitaguyod ang isang Pilipinas na pinaghaharian ng mabuting pamamahala at katapatan, sa halip na pansariling interes at katiwalian.
0 Comments