Maghahandog ng free chest x-ray ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa darating na Biyernes, ika-17 ng Hulyo, sa Barangay Hall ng Brgy. Tangob na magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga at tatanggap ng isang daan at limampung (150) mga benepisyaryo.
Para sa mga nais magpatingin, bukas ang programa para sa mga indibidwal edad-kinse (15) pataas, mga senior citizens, mga vendors, mga miyembro ng TODA, mga may diabetes o hypertension, at mga nakararanas ng sintomas ng tuberculosis (TB) gaya ng matagal na ubo, lagnat, at pamamayat na hindi maipaliwanag.
0 Comments