Ipinaaabot nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at ng buong Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia ang kasiya-siyang pagbati ng maligayang ika-112 anibersaryo sa lahat ng ating mga kapatid na Iglesia Ni Cristo sa pangunguna ng kanilang Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Eduardo V. Manalo.
Sa loob ng mahigit isang siglo, ang Iglesia Ni Cristo ay naging huwaran ng matatag na pananampalataya, disiplina, at sama-samang pagkilos, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa milyon-milyong mananampalataya upang mamuhay nang may kabanalan, pagmamalasakit, at pananagutan sa lipunan.
Kinikilala at pinahahalagahan ng pamahalaang bayan ang mahalagang ambag ng mga miyembro ng Iglesia sa patuloy na pag-unlad ng ating munisipalidad, na ipinamamalas sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok sa mga programa, pagtulong sa kapwa, at pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at pagkakaisa sa ating bayan.
Mananatiling katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia sa pagtataguyod ng mga adhikain, programa, at misyon ng Iglesia Ni Cristo, lalo't higit sa layunin na higit pang mapalakas ang pananampalataya at pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayang Garciano.
0 Comments