Dinala ng New Padre Garcia Hospital (NPGH) sa mga lolo at lolang Garciano na nagtungo sa Padre Garcia Cultural & Sports Center ngayong Huwebes, Hunyo 25, ang ilan sa mga pangunahin nilang serbisyo kabilang ang Sagip Mata, Libreng Konsulta, at PhilHealth YAKAP Registration.
Kasabay ito ng isinagawang semestral payout ng social pension para sa mga kwalipikadong benepisyaryo kung saan umabot sa isang libo, pitong daan, at animnapu't tatlong (1,763) mga senior citizens ang napagkalooban ng tatlong libong piso (Php 3,000.00) bawat isa.
0 Comments