Padre Garcia, Nagkamit ng Dalawang Parangal sa Regional GAPAS Awards 2025

 




𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐄𝐍𝐓𝐑𝐘, 𝐃𝐎𝐔𝐁𝐋𝐄 𝐕𝐈𝐂𝐓𝐎𝐑𝐘 🏆🏆 

Nasungkit ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang mga parangal na 2025 Model LGU in the Implementation of Day Care Service at 2025 Good Convergence Initiative sa katatapos lamang na Regional Panata Ko sa Bayan – Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Award Virtual Awarding Ceremony kahapon, ika-30 ng Hunyo.

Personal na nagtungo sa Padre Garcia Municipal Conference Room si Ma'am Lualhati Balcueva, Provincial Link, upang magsilbing kinatawan ng DSWD Region IV-A CALABARZON sa paggagawad ng mga plake ng pagkilala at pagsasagawa ng panayam sa mga lingkod bayang Garciano na napanood online via Facebook LIVE.

Buong pagmamalaki namang tinanggap nina Mr. Christopher Comia, Municipal Administrator; Hon. Molly Rivera-Gutierrez, SB Committee Chair on Children, Women, and Family; at Ma'am Wilma Galela, MSWDO Head ang mga parangal, na sinaksihan ng mga Child Development Workers (CDWs) at ng ilang mga department heads ng pamahalaang bayan.

Tanging bayan lamang ng Padre Garcia sa buong Batangas ang nagkamit ng dalawang parangal samantalang isa ang munisipalidad sa dalawa lamang na mga lugar sa lalawigan na tumanggap ng mga plake ng pagkilala.

Post a Comment

0 Comments