TINGNAN: Naghatid ng saya at pag-asa sa mga dialysis patients ngayong Miyerkules, ika-24 ng Hunyo, ang Padre Garcia Dialysis Center katuwang ang lokal na pamahalaan kasabay ng culminating activity ng pasilidad para sa National Kidney Month Celebration.
Bukod sa mga makabuluhang lecture at testimonies, nakatanggap din ang mga pasyente ng merienda at libreng bigas, kasunod ang pangako ni Mayor Celsa Braga-Rivera na pagkakalooban din niya ang mga ito ng libreng noche buena package sa darating na Kapaskuhan.
0 Comments