Kite Flying Festival and Competition



Umukit ng kasaysayan ang bayan ng Padre Garcia, sa pangunguna ng Brgy. Bawi at Brgy. Pansol, matapos sa kauna-unahang pagkakataon ay inilunsad sa munisipalidad ang isang Kite Flying Festival and Competition na dinagsa hindi lamang ng mga Garciano kundi maging ng mga turista mula sa iba't ibang bayan at lungsod.

Mismong si Mayor Celsa Braga-Rivera ay nakiisa rin sa pagpapalipad ng saranggola na may sagisag ng lokal na pamahalaan—simbolo aniya ng patuloy na pag-angat, pamamayagpag, at pagiging kilala ng bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

0 Comments