HEARTS Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

 




𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Matapos ang matagumpay na programa ng Bawat Bayan Makikinabang ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 17, 2026, agad na nakipagpulong si Governor Vilma Santos-Recto sa mga Punong Barangay ng mga bayan ng Padre Garcia at Taysan upang talakayin ang mga prayoridad na proyekto ng bawat barangay na nakapaloob sa HEARTS Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Sa naturang pulong, personal na pinakinggan ng Gobernadora ang mga pangangailangan at mungkahi ng mga opisyal ng barangay upang matiyak na ang mga programang ipatutupad ay naaayon sa tunay na pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan upang higit na mapalawak ang mga serbisyong makikinabang ang bawat Batangueño.

Patuloy namang ipinahayag ng mga Punong Barangay ang kanilang suporta at pasasalamat sa mga programang inilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan na direktang nakatutugon sa pangangailangan ng kanilang mga komunidad.

#MatatagNaBatangas

Post a Comment

0 Comments