TINGNAN: Nagbigay-galang at nag-alay ng saglit na panalangin ang ina ng lalawigan, Gov. Vilma Santos-Recto, sa imahe ng Mahal na Birhen ng Santisimo Rosaryo na nakalagak sa unang palapag ng Padre Garcia Executive Building.
Sa kaniyang muling pagbabalik sa bayan ng Padre Garcia, inalala ng gobernadora ang mga hindi niya malilimutang karanasan kasama ang mga mamamayang Garciano na ayon sa kaniya ay matagal na niyang itinuturing bilang mga kapamilya.
0 Comments