Nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng panibagong linggo ng serbisyo publiko ang muling pagsasama-sama ng mga lingkod bayang Garciano para sa regular na pagpupugay sa watawat ng Pilipinas na isinagawa ngayong Lunes ng umaga sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Ibinahagi din ni Mayor Celsa Braga-Rivera sa mga empleyado ang nakatakdang pagbisita ngayong linggo sa bayan ng Padre Garcia ng mga kawani ng pamahalaang bayan ng Balayan, lokal na pamahalaan ng San Pascual, at pamahalaang panlalawigan ng Batangas na aniya'y patunay sa pagiging bukas ng Padre Garcia LGU sa pakikipagtulungan para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
0 Comments