𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐀𝐑𝐂𝐈𝐀𝐍𝐎
Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng Low Pressure Area (LPA), suspendido ang face-to-face classes mula Pre-school hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Padre Garcia bukas, Hulyo 1, araw ng Miyerkules.
Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan na sakop ng nabanggit na anunsyo ay pansamantalang magpapatupad ng Modular Distance Learning (MDL).
Stay safe, Garcianos!
0 Comments