Maghahatid ng aksyon serbisyo sa mga mamamayang Garciano ang SSS Lipa Branch bukas, ika-26 ng Hunyo, sa ilulunsad nilang SSS e-Wheels Palengke Caravan na gaganapin sa Padre Garcia Public Market mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Hinihikayat ang lahat ng mga miyembro, employer, pensioner, at mga nagnanais maging miyembro ng SSS kabilang na ang mga manggagawang nasa impormal na sektor tulad ng mga market vendors na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapag-avail ng iba't ibang serbisyo ng tanggapan na nakatala sa infographic sa ibaba.
0 Comments