HAPPENING NOW: Itinataguyod ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa lalawigan, partikular na ang pagtatanim ng cacao, sa pamamagitan ng pagsisilbing host municipality ng pagpupulong ng Batangas Cacao Growers Association (BCGA) na kasalukuyang ginaganap sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Municipal Agriculturist Dr. Ohmie Diaz, at SB Committee Chairperson on Agriculture Hon. Ferdie Villar, mainit na tinanggap ng mga Garciano ang delegasyon ng nasabing grupo na pinangungunahan ni G. Cayo Casanova, Pangulo, kasama sina Ma'am Diana Rose Manoy at Ma'am Sonia Garcia mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA).
0 Comments