Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patient's Program





Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ang layunin nitong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan matapos bumisita sa munisipalidad ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH) Region IV-A ngayong Huwebes, Mayo 28, upang higit na maipaliwanag at mapagtibay ang programang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).

Kasabay nito, bumisita rin ang mga kawani ng kagawaran sa New Padre Garcia Hospital (NPGH) kaugnay ng aplikasyon ng pamunuan nito para maging accredited sa nasabing programa, na oras na maaprubahan ay makapaghahandog ng tulong-pinansyal hindi lamang para sa mga Garciano kundi maging sa iba pang mga pasyenteng nangangailangan ng serbisyong medikal. 

Post a Comment

0 Comments