Libreng Tuli Program

 


Hinarap ng nasa dalawang daan at labindalawang (212) mga kalalakihang Garciano ang hamon ng pagkabinata matapos nilang samantalahin ang programang pangkalusugan na Libreng Tuli ng Padre Garcia LGU na inilunsad ngayong Martes, Mayo 12, sa Padre Garcia Cultural & Sports Center.

Sumailalim ang mga kabataan sa laser o cautery method ng pagtutuli na naging posible sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) kina Dr. Czar Quinto (Balete MHO and LCMS Counselor 2025-2027), Mr. Marcus Azariah Yzaack Caspe, Mr. Mateus Yzaiah Caspe, at Mr. Arnulfo Caspe, Jr. 

Post a Comment

0 Comments