ENSURING EDUCATIONAL EXCELLENCE


Bumisita sa bayan ng Padre Garcia ngayong Huwebes, Mayo 7, ang mga miyembro ng Regional Quality Assessment Team (RQAT) ng Commission on Higher Education (CHED) Region IV-A upang magsagawa ng pang-akademikong pagsusuri sa Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) na naglalayong makumpleto nito ang mga requirements sa pagkuha ng Certificate of Program Compliance (COPC)—isang mahalagang hakbang sa pagkamit ng libreng edukasyon sa ilalim ng UniFast.

Ilan sa mga naging sentro ng kanilang ginawang assessment ay ang pagsiyasat sa operasyon ng apat na mga programang inihahandog ng paaralan, paggarantiya na kumpleto at kuwalipikado ang mga guro at iba pang staff ng kolehiyo, at pag-inspeksyon sa mga pasilidad nito kabilang na ang pagtiyak na sapat ang bilang ng mga kinakailangang libro, equipments, at kagamitan ng mga mag-aaral.

Sa huli, ipinangako ng mahusay na ina ng bayan at PGPC Board of Trustees (BOT) Chaiperson, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang kahandaan ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia na sumunod sa mga alintuntuning itinakda ng kagawaran upang higit na mapabuti ng paaralan ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

Post a Comment

0 Comments