Nagsadya ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) District IV Engineering Office, sa pangunguna ni OIC District Engineer Henry John Morada, sa tanggapan ni Mayor Celsa Braga-Rivera ngayong Martes, ika-5 ng Mayo, upang magbigay ng updates tungkol sa mga proyektong pang-imprastraktura sa bayan ng Padre Garcia.
Sa pamamagitan ng pag-sangguni sa ina ng bayan at kay Engr. Delber Lyn Punzalan, Municipal Engineer, inalam din ng ahensiya ang mga pagawaing pambayan na kinakailangan ng munisipalidad kasunod ang pagtalakay sa mga nakaplanong proyekto na layong maghatid ng kaunlaran at mas maayos na serbisyo sa mga mamamayang Garciano.
0 Comments