Balik na sa 5 araw na operasyon ang Padre Garcia LGU

 

Ibinalik na sa limang araw na operasyon ang mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Padre Garcia na sinimulan noong May 19 matapos lagdaan  ni Mayor Celsa Braga-Rivera ang Executive Order No. 05-04, s. 2026 na nag-aalis sa flexible work arrangement sa munisipyo. 

Layunin ng kautusan na mapalawak ang paghahatid ng pangunahing serbisyo, mapalakas ang koordinasyon ng bawat tanggapan at mas mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan. Sa ilalim ng bagong patakaran, magiging bukas ang lahat ng opisina sa pamahalaang bayan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. 

Kaugnay nito, mananatili naman ang mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya sa lahat ng tanggapan at operasyon ng pamahalaang bayan.

Matatandaan na ipinatupad ang four-day work week sa mga tanggapan ng gobyerno upang makatipid sa kuryente at sa pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Post a Comment

0 Comments