PAGLILINAW: Ukol sa Pagbabaklas at Paglilipat ng mga Labi sa mga Sementeryo ng Padre Garcia

 

Isang mahalagang paglilinaw mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO) para sa kaalaman ng lahat ng Garciano:

  1. Catholic Cemetery (Cawongan): Ang nagsasagawa ng pagbabaklas at paglilipat ng mga labi ay ang Catholic Cemetery na matatagpuan sa Brgy. Cawongan (katabi ng Eternal Garden). Para sa mga katanungan hinggil dito, mangyaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Simbahan.

  2. Municipal Cemetery: Ang libingang matatagpuan sa harap ng Padre Garcia National High School ay ang ating Municipal Cemetery. Para sa mga usaping may kaugnayan dito, sa Munisipyo po dapat makipag-ugnayan.

Paalala para sa Municipal Cemetery: Hinihikayat ang lahat ng may mga yumaong kamag-anak na nailibing mula noong Oktubre 2020 hanggang Marso 2021 na mag-renew na ng kontrata. Ito ay upang hindi masama ang pangalan sa talaan ng mga babaklasin na nakatakdang isagawa sa katapusan ng buwan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

Post a Comment

0 Comments